2015

2015

The Meeting Point...

Kaya nga bang burahin ng panahon
ang naramdaman mong pag-ibig
sampung taon na ang nakakalipas?

Kasawian na dulot ng nakaraang irog,
Pagitan na kontinente ng pakikipagsapalaran,
at dekadang karanasan na naipagkait
sa tunay mong tipan.

Sapat na ba ang mga ito
upang ang iyong pinto
ay hindi na muling buksan?
At ang iyong kaligayahan
ay tuluyan nang talikuran?

Ganun pa man munting lingas ang
nagdudulot ng malaking apoy,
Minsan isang kislap ang kailangan
para mabuo ang totoong ningning,

At tanging tunay na halik
ang s'yang sandata ng kapalaran
upang hamakin ang panahon
at ibalik muli sa piling ng isa't isa
ang mga tunay na nagmamahalan.

Munting halik ang naging
tulay nila noon,
at sapat nang malaman
pag-ibig na tunay ang umusbong.

Munting halik pa rin
ang naging patunay nila ngayon,
na lumipas man ang sampung taon
pag-ibig na wagas, syang lalong yayabong.