2015

2015

araw araw kitang liligawan

araw-araw kitang liligawan

minsan ka lang makakatagpong tunay
ng makakatapat mo sa lahat ng bagay
yaong taong marunong sa buhay
na alam kung paano ka papatawanin
higit sa lahat sa mga panahong
ikaw ay "ngot-ngot" at nalulumbay

hindi pihikan sa mga pagkain basta't
ang mahalaga kayo'y magkasama
at sa mga simpleng halik at haplos
na lingid sa kaalaman ng madla
ang tunay pag-ibig sa isa't isa'y
buong pusong naipaparamdam ng taos

kung magkaaway man sa buong maghapon
ang malumanay na usapan bago matulog
ang tiyak na papawi ng lumbay at takot
sapagkat kung paanong ang araw at buwan
sa kalangita'y hindi magkaabutan
siya rin ang pagod at inis ay naglalaho
kapag tamis ng batian sa gabi'y nagtatagpo

salat man ako sa kayamanan at ari-arian
ngunit pag-ibig ko nama'y walang hangganan
sa mga kindat at masasayang kwentuhan
titiyakin kong ika'y hindi mauubusan
laging lamang masilayan mga ngiti mong inaasam-asam
lalo pa ngayon ikaw akin nang natagpuan
ikaw sa piling ko'y hindi ka na pakakawalan
kahit pang ika'y araw-araw kong liligawan




05jun2010.tokyo2x greenbelt1
__________________________________________________