taong 2006, kinailangan ko ng lumipat ng "greener pasture"
para umabante naman ang aking karera bilang inhinyero.
one time tumakas ako sa lunchbreak ko sa glorietta at 
 nag apply sa isang telecom company sa may ayala.
medyo na uubos na ang aking oras at di ko pa rin nakakausap
ang kinauukulan. buti na lang nakasalubong ko si maam tonie
A: good afternoon maam, san po ba ung ofc ni sir louie.
 T: ay wala sya, ano ba ung appointment mo?
A: kasi maam may ipapareconsider lang po sana ako
T: kung gusto mo kausapin mo nalng si sir mar
   lumabas lang sia antayin mo nalang sa lobby.
habang nag-aantay sa lobby eh may malaking mama na kumausap
 sa akin. mapaka humble ng mukha kaya kala ko empleyado din 
sa floor na iyon kaya nakipagkwentuhan ako. hanggang 
naikwento ko lahat lahat kung paano ako pinigilan ng 
ex-boss para wag makalipat, ang hindi nila pagtupad 
 sa pangakong posisyon at ang aking mga kakayanang hindi nila
mabitaw-bitawan.
A: ayon po kaya sana po matanggap ako dito.
M: sa tingin ko may chance ka naman. lahat naman dapat meron
A; Sir maraming salamat po, pero kilala nyo po b si Sir Mar?
    Kc wala po si sir louie, sa kanya po ako hihingi ng 
   reconsideration.
M: (nakangiti ng malaki) Sir Mar ba hinahanap mo?
A: opo..
M: sige bumalik ka na lang sa date na ito, 
   (may pause mapasimangot ako)  
    para sa final interview mo. Ako nga pala si Sir Mar...
Wow!!! kita mo nga naman marami pa rin talagang mababait na 
tao sa mundo... kelangan mo lang din magpakabait....
ika nga "when a door closes, a window opens" 
 at hindi bawal mangarap ang mahirap... hehehe
     
yan ang kwento namin ni maam tonie, installment nalang
ung kina sir Clint at Tta Oks...Ü
14MAR2010.skydome.sm north edsa
 __________________________________________________
 
 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
-003.jpg) 
