2015

2015

the thirst quencher

the thirst quencher

2011summer totally here as its so hot everywhere
at kaya sobrang uhaw ako kanina matapos magjogging
ng 20 mins para mawala ang aking mga bilbil
ang hirap kasi mainit na sa paningin ng mga
katrabaho at pasahero ko, kaya sana eh
madaan pa sa exercise ang pagpayat ko...hihihi


mainit na talaga kahit gabi at buti na lang
earth hour last night kaya medyo lumamig lamig
ang kamunduhan plus sa tulong ng tubig mula pitsel
na galing sa room hospital ni mama eh
naibsan ang aking uhaw sa mahimbing na tulog...


last friday madamdamin ang segment ng tambalan
dahil sa realizations ni nicolehyala. she has
everything she ever wanted -blooming career,
loving husband, supportive family and friends pero
the thought na wala pa silang anak after a year
of marriage made her thirst for some answers.
At simple lang daw ang reply ni God sa kanya:
Kakabigay ko lang ng regalo (husband) sayo eh
nanghihingi ka na agad. Enjoyin' mo muna yan!...

kaya that same night na medyo malungkot ako
dahil hindi kami nakasama ni martyn (sinisipon)
sa lakad ng PAL batchmates ko sa banchetto
eh medyo nauhaw ako sa attention niya
dahil madalas kasama ako paglumalabas
ang barkada niya pero siya ay di pa masyadong
nasisilayan ng mga kaibigan ko.
pero inisip ko na lng marami pa namang
susunod na pagkakataon para makilala nila
ang one and only lovelife ko ...


so nagulat ako sa theme ng mass kanina
about Man's Thirst for God's salvation
(ehem nagpaparamdam ka naman Jesus ah...)
At naisip ko normal lang sa atin ang mauhaw
dahil tayo ay mga nilalang na hindi marunong
makuntento pero lagi naman tayong Binibigyan
ng gracia ng Diyos kaya hindi na tayo dapat  
mangamba. Yun nga lang medyo makitid talaga
ang ating aking katalinuhan sa mga plano at
paraan ng Diyos kaya kailangan ang taimtim
na pagtitiwala sa Kanya...

In short FAith ang sagot sa ating mga uhaw hehehe
kaya CHEERS! sa super thirst quencher nating Lord!!!

27mar2011.st joseph parish
________________________________________________________