2015

2015

malabo man minsan



malabo man minsan

pagdating sa usaping pag ibig
mas nanaising ko na lang manahimik
maraming na akong beses sumubok
pero eto hanggang ngayon ay lugmok

nakakainis na nga minsan
ibinigay mo na ang lahat
pero madalas parating may kulang
sila rin minsan'y 'di alam ang hanap

kaya nakakainggit ang mga pelikula
lalo na kung tungkol sa pagibig ang kwento
na pagkakataon na ang gumawa ng paraan
upang magkatuluyan mga taong matitigas ang ulo

sana ay maganap din sakin
ang kwento ni allan at mia
nandiyan ka at nandito ako,kaya 'di magkatagpo
pero ako'y gagawa ng paraan para maging tayo

marami rin ang kanilang ipinaglaban
ngunit panahon lang ang kailangan
upang ang kanya kanyang sakripisyo
matamis na oo ang sa huli ang premyo

kaya ngayon sa ibang bagay na lang
ang aking atensyon ay itutuon
ika nga minsan darating ng biglaan
ang mga di inaasam at di inaasahan

ating pagiibigan malabo man minsan
anopa't darating din tayo dyan


23feb2010.SM megamall Cinema
Miss u like crazy premier night
__________________________________________________