"mahirap magkasakit" ang kadalasang sabi nila
pero ang nangyari sa akin ay baliktad ata,
isang mainit na landing iyon sa bacolod
kaya naghanda ako ng tubig sa dalawang baso
nilagyan ng yelo upang si maam wendy at ako'y
taos pusong makabati sa mga pasahero
lumipad pa kami ng davao at kinabukasan
ako'y muling nagbalik sa bacolod hanggang
aking lalamuna'y namaga na, ako'y biglang napipi
ang malamig na inumin, siya kaya ang sanhi?
ako'y agad nagtungo sa pagamutan pagbalik ng manila
at ang swerte ko dahil ang lahat ay naka lunchbreak na.
sa lobby, isang oras akong natulog at naghintay
kay doc, isang minuto akong sinuri ng malumanay
at sa pharmacy, isang linggong gamutan ang binigay
dahil sa tonsilitis ako'y iwas muna sa bisyo
postponed muna ang inuman at ang sigarilyo
sa aking kalupi, laking ginhawa ang dulot nito
salamat sa sakit na dulot ng nagyeyelong baso...
19MAR2010.pal MEDICAL
__________________________________________________