2015

2015

ika'y inaasam-asam

4_11

hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin
mga ngiti'y hindi maitago t'wing maalala ang naganap sa atin
ngayo'y may lungkot sa puso ko't sana ako'y nasa iyong piling
at sa bawat halik at yakap mo Aklan ako'y tuluyang lunurin
pagkat walang bagay sa lungsod na sa'yo ay maihahambing

init ng yong damdamin ibulong mo sa akin
ipadala sa hangin at pangungulila ko'y pawiin
init ng yong katawan nais kong muling namnamin
at magagandang sandali sa'yong piling
ay paulit-ulit kong aangkinin

hindi ko alam kung paano palilipasin
mga ngiting alay sa iyo sa alaala na lang ba uukitin
ngayo'y may lungkot at pag-asa na sa muling pagkikita natin
ang bawat halik at yakap mo Aklan oras man ay patitigilin
pagkat mahabang pag-aantay di anta sayong paglalambing